Sunday, December 26, 2010

Unang Tagalog

Diwata,
Na lubhang ignorante
sa mga batas ng madla,
Na ang puso'y totoo
at kabaliktaran ng bato

Ang iyong damdami'y
pilit pinagsisiksikan sa
mumunting isipan
Kasama ng iyong tiwala
na sa iba ay malugod na
hinahanda

Sa mundong inakala mo
na iyong kaibigan,
Sino nga ba ang dapat pagkatiwalaan?
Ano ang tunay?
Ano ang panaginip?
Ano itong labis na gumugulo
sa iyong pag-iisip?

Isang matalinhagang balot
ng lumang baluti,
Ang mga baon na salita,
Dulot ay mukhang mabuti
Hindi ba't ika'y kanyang pinangiti?

Ikaw munting diwata,
Na hindi naghahangad ng anu pa man,
Na ang mabahagian ng kanyang
bait ay sapat na,
Hindi ba't ika'y binigyan ng labis-labis?

Oo nga't ika'y maliit,
Ang iyong pakpak ay tila
alikabok sa hangi'y pagpitik,
Ang iyong braso't binti'y
singpayat ng posporong kay munti
Ngunit ang katawan mo ay kumpleto

Mga mata, tenga at bibig
upang makita't marinig anu man
ang sa harap mo ay buo
Hindi ba't parang sa paraan na ika'y
kanyang tinatrato
ang iyong talino ay naiinsulto?

Siguro nga'y ang mga naganap
ay dulot ng anino ng iyong mga pangarap,
Ngunit sa ganitong pagkakataon ba'y
Ikaw lamang ang lubos na masisisi?

Diwata,
Ika'y gumising
Bago pa ika'y maging isang libangan at alipin
Bago pa ang katinuan mo ay tuluyan kang lisanin

At sapagkat, kahit baliktarin pa
ang lahat ng pangyayari,
Ang manunula ng baluti ay hindi nararapat
Sa isang diwatang marungis
Kundi sa kanyang anghel
Na pinahiram ng langit

No comments:

Post a Comment