Saturday, February 12, 2011

Philomela

Kaskasin at paiyakin ang gitara
Hampasin at panggigilan ang balara
Sumigaw, Bumulong,
Na parang wala nang umaga
Itaas ang kamay, pumadyak, tumalon

Lumipad.

Wala na atang imposible sa mundong puno ng musika
Wala na atang mas maganda pa sa mundong binabalot ng awit at saya
Ngunit bakit ganoon?
Kahit ang buhay ko sa piling ng musika ay dapat kumpleto na,
Di ko pa rin maiwasang hanap-hanapin ka.

Ngayon 'di ko na maalala kung ano nga ba ang nauna,
Ang pag-ibig ba, o ang musika?

No comments:

Post a Comment