Friday, February 4, 2011

Ang Gabing Kulay Pula

Nakaplano na
Ang mga bagay na sasabihin ko
Pag nagkita tayong dalawa

Alam ko na ang itsurang
Gagamitin ko sa susunod
Nating pagkikita

Sa panaginip ko,
Malayo na ang narating nating dalawa

Pero ganun pa din,
Gaya ng dati,
Kahit ilang beses ko pang
Iuntog sa pader ang aking sarili
 Di ko pa rin matutunan
Kung paano ang tumigil

Sa susunod na magkita tayo
Sigurado ako, hindi ko magagawang sabihin
Ni ha, Ni ho, galing sa aking plano
Balik sa walang katapusang pagpaplano,
Tapos maghihintay ako

Kung sabagay, yun lang naman ang
dalawang bagay na ginagawa ko,
Ang makuntento pag magkasama tayo,
At ang maghintay sa susunod na sandali
Na magkakasama tayo

No comments:

Post a Comment