Wednesday, February 16, 2011

Sukdulan

Bukas,
Bibilihin ko ang mundo,
Babayaran ko ang Diyos
At patitigilin ang panahon
Ibubulsa ko ang araw
At patitigilin ang unos

Bakit sila? Bakit ako?
Sino ang makapagsasabi na may
mas hihigit pa sa pagmamahal ko?

Bukas,
Ako na ang nasa tabi mo
Patatawanin ko ang kagubatan
At gagawing kastilyo ang alapaap
Kukumutan ko ang mundo ng pag-ibig ko
At gigisingin ang umaga sa liwanag ng hinaharap

Bakit ikaw? Bakit ako?
Sino ang makapagsasabi na
mali ang nararamdaman ko?

Saan nga ba napupunta ang mga sobra?
Yung mga damdaming umaapaw na?
Ganun na lang ba? Masasayang na lang sila?
Kelan ba ako mapapagod? Kelan ako mauubusan?

No comments:

Post a Comment