Friday, January 14, 2011

Ayaw Ko Nang Magsulat

Nalilibing, Nabibingi
Sa mga awit na 'di mo rin naman maririnig
Hanggang kailan nga ba ako ngingiti?

Natatakot sa mga salitang
sa katotohana'y unti-unting lumalapit
Nauupos sa mga gabing hindi matahimik

Nasan ba ang sukdulan?
Ituro niyo naman sa akin kung nasan na ang lecheng pintuan
Napapagod na kong magpaikot-ikot sa kawalan

Patigilin niyo na ang walang humpay na musikang nagpapatong-patong sa aking isip
Namamaos na din ako sa kabubulong at kasisigaw
Sana nga hindi na lang kita naririnig

Ayaw ko nang magsulat
Ayaw ko nang kumanta
Pero ayaw ko din namang magalit sa musika

Sa susunod na ako'y hahawak ng papel at pluma
Maalala ko pa din kaya na ang pagsusulat ay inayawan ko na?

No comments:

Post a Comment