Sunday, January 30, 2011

Hindi ito para sa'yo, para sa kaibigan ko 'to

Kaibigan ako,
Hindi man perpekto,
Kaibigan pa rin ako

Ano nga bang dapat gawin
Pag nasasaktan ang kaibigan mo sa harap mo?
Dapat nandyan ka lang sa tabi niya,
Pakikinggan siya, tutulungan siya, papasayahin siya

Dahil sa totoo lang,
Kahit na ganito lang ako,
Ayaw ko pa ding nakikitang nasasaktan ang kaibigan ko

Kaya,
Mas mabuting ako na lang ang nandito
Sa pagtitiis nama'y bihasa na rin ako
Dahil kaibigan niya ako

No comments:

Post a Comment